Huwebes, Disyembre 14, 2017

REPORMASYON

Repormasyon

                             Ang Repormang Protestante ay isang repormang kilusang Kristiyano sa Europa. Iniisip ito na nagsimula sa Siyamnapu't-Limang Sanaysay ni Martin Luther at maaaring maituturing na kasamang natapos ng Kapayapaan sa Westphalia noong 1648.[1] Nagsimula ang kilusan bilang isang pagsubok na baguhin ang Simbahang Katoliko. Maraming mga kanluraning mga Katoliko ang nabahala sa mga nakita nilang mga bulaang mga katuruan at maling mga kasanayan sa loob ng Simbahan, partikular ang pagtuturo at pagbebenta ng mga indulhensiya. Ang isa pang pangunahing pagtatalo ang kasanayan ng pagbili at pagbenta ng mga puwesto sa simbahan (simonya) at kung ano ang nakikita noong mga panahon na iyon bilang isang maituturing na korupsiyon sa loob ng pamunuan ng Simbahan. Nakikita ito ng marami noong mga panahon na iyon bilang sistematiko, na umaabot hanggang sa puwesto ng Papa.






                           Natutunan ko ang pinagmulan ng Repormasyon. Natutunan ko rin na ginawa nila ito bilang pagsubok upang baguhin ang Simbahang Katoliko. Natutunan ko rin ito na ito pala ay nakabahal din ng mga Katoliko. Natutunan ko rin ang ibig sabihin ng indulhensiya. Natutunan ko rin na ang pagbili pala at pagbenta ng mga pwesto sa simbahan any naging pangunahing pagtatalo.

RENAISSANCE

Renaissance

        
                        Ang Renasimiyento ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Panahon at ng makabagong kasaysayan. Ito ay mula sa Pranses na Renaissance, na nangangahulugang "muling pagsilang" (Ingles: Rebirth) na mula sa Italyano na Rinascimento (mula sa re- "muli" at nascere"isilang"). Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Panahong Medyebal at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon.
Ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento ay ang sariling-likha nitong bersiyon ng humanismo, mula sa muling pagkakatuklas sa klasikal na pilosopiyang Griyego, tulad ng kay Protagoras, na nagsabi na "Ang tao ang sukatán ng lahat ng bagay. (Ingles: "Man is the measure of all things.)". Ang panibagong pag-iisip na ito ay inihayag sa sining, arkitektura, politika, agham, at panitikan. Ang mga sinaunang halimbawa ay ang pagpapaunlad ng persperktibo sa pagpipintang langis at ang ginamit muling kaalaman sa kung paano gumawa ng semento. Bagama't pinabilis ng imbensiyon ng metal movable type ang pagkalat ng mga ideya sa dulo ng ika-15 dantaon, ang mga pagbabago ay hindi pantay-pantay na naranasan sa buong Europa.



                         Natutunan ko rito na ang humanismo pala ang naging batayang intelektuwal ng Renasimiyento o Renaissance. Natutunan ko na ito pala ang naging tulay sa pagitan ng gitnang panahon at ng makabagong kasaysayan. Nalaman ko rin ang kahulugan ng salitang Renaissance na mula sa Italyano Na Rinascimento.

MANORYALISMO

Manoryalismo


                                 Sa Kanlurang Europe noong Gitnang Panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal o manorial. Ang Manoryalismo ay isang sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manor ay lupaing sakop ng isang Panginoong maylupa. Ito ay binubuo ng kanyang kastilyo, simbahan, at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Nasasakupan din ng panginoong maylupa ang mga bukirin, pastulan, at gubat. Sa ilalim ng manoryalismo, tungkulin ng panginoong maylupa na bigyan ng pabahay, lupang sakahan, at proteksiyon ang mga naninirahan sa manor kapalit ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan  ng kanilang panginoong maylupa. Ang buong populasyon sa manor ay sama-samang nagtatrabaho sa bukid. Pinairal ang tinawag na three-field system kung saan ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi; taniman ng tagsibol, taniman ng taglagas at ang lupang tiwangwang. Tanging asin, bakal, bato at ilang produkto lang ang binibili sa labas ng manor dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan. Karamihan sa mga produkto ay ginagawa ng mga nakatira sa manor tulad ng panday, manghahabi, at mga karpintero




                                 Natutunan ko ang pangkabuhayan ng mga tao sa Gitnang Panahon. Natutunan ko din na ang bawat manor ay sentro ng gawaing panlipunan at pangkabuhayan. Natutunan ko ang mga nasasakupan ng panginoong maylupa. Natutunan ko ang silbi ng three-field system na kanilang pinairal. Nalaman ko rin na ang buhay ng mga naninirahan sa manor ay mahirap. Nalaman ko rin ang ginagawa nila sa mga produkto na binibili nila sa labas ng manor.