Manoryalismo
Sa Kanlurang Europe noong Gitnang Panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal o manorial. Ang Manoryalismo ay isang sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Ang manor ay lupaing sakop ng isang Panginoong maylupa. Ito ay binubuo ng kanyang kastilyo, simbahan, at pamayanan na may 15 hanggang 30 pamilya. Nasasakupan din ng panginoong maylupa ang mga bukirin, pastulan, at gubat. Sa ilalim ng manoryalismo, tungkulin ng panginoong maylupa na bigyan ng pabahay, lupang sakahan, at proteksiyon ang mga naninirahan sa manor kapalit ang paglilingkod ng mga tao sa pangangailangan ng kanilang panginoong maylupa. Ang buong populasyon sa manor ay sama-samang nagtatrabaho sa bukid. Pinairal ang tinawag na three-field system kung saan ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi; taniman ng tagsibol, taniman ng taglagas at ang lupang tiwangwang. Tanging asin, bakal, bato at ilang produkto lang ang binibili sa labas ng manor dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan. Karamihan sa mga produkto ay ginagawa ng mga nakatira sa manor tulad ng panday, manghahabi, at mga karpintero
Natutunan ko ang pangkabuhayan ng mga tao sa Gitnang Panahon. Natutunan ko din na ang bawat manor ay sentro ng gawaing panlipunan at pangkabuhayan. Natutunan ko ang mga nasasakupan ng panginoong maylupa. Natutunan ko ang silbi ng three-field system na kanilang pinairal. Nalaman ko rin na ang buhay ng mga naninirahan sa manor ay mahirap. Nalaman ko rin ang ginagawa nila sa mga produkto na binibili nila sa labas ng manor.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento